-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTi) na wala pang umiiral na state of calamity o state of emergency sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Bulusan.
Dahil dito ayon kay DTI Usec Ruth Castelo, wala ring umiiral na price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Gayunman nagpaalala ang DTI na kailangan pa ring sundin ng mga establisyemento ang umiiral na suggested retail price (SRP) sa ilang mga produkto.