-- Advertisements --
Labis ang panghihinayang ng Brooklyn Nets matapos na tuluyang matanggal na sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs makaraang ma-sweep sila ng Boston Celtics, 4-0.
Ayon kay NBA superstar Kevin Durant, kung healthy lang daw sana ang kanilang team ay mas maganda ang kanilang kampanya.
Hindi rin napigilan ni Durant na magparinig na sana ay naging kompleto sila at walang nang-iwan na kasama.
Kung maalala ang isa sa big three nila na si James Harden ay lumipat sa Philadelphia Sixers.
Ang kapalit niya na si Ben Simmons ay hindi pa rin nakakalaro sa team bunsod ng injury.
Habang si Kyrie Irving naman ay sa huling bahagi na ng NBA season pinayagan ng New York na makapaglaro sa homecourt bunsod ng hindi niya pagpapabakuna.