-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Wala umanong Pinoy na nadamay sa gumuhong hotel sa Suzhou, China.

Ito ang iniulat sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo international correspondent Bryan Bubongan na pitong taon na sa China at tubong Surallah, South Cotabato.

Ayon kay Bubongan, ang gumuhong hotel ay isa sa mga tourist destination sa Sozhou ang Siji Kaiyuan Hotel kung saan makailang beses na umano itong isinailalim sa renovation na siyang nakikitang dahilan ng paghina ng pondasyon nito.

Sa ngayon na nsa COVID-19 pandemic ay limitado ang mga turista kaya’t walang ibang mga lahi na nadamay sa pagguho ng gusali.

Napag-alaman na noong 2018 binuksan ang hotel na mayroong 54 na kwarto na inookupa ng mga bisita.

Ayon kay Bubongan, bumuo ng halos halos 700 mga kasapi ng rescue team ang provincial government ng Jiangsu upang marekober ang 23 katao na natabunan.

Matapos ang 36 oras na search operations ay nakita ang mga ito kung saan anim dito ay ligtas at buhay habang 17 naman ang binawian ng buhay.