-- Advertisements --
Walang Pilipino na nadamay sa nangyaring suicide attack sa Kabul Afghanistan na ikinamatay ng 53 katao at ikinasugat ng 110 iba pa.
Ayon kay Joel Tungal, bombo international news correspondent sa Afghanistan. Ito ang pinakamatindi dahil ang tinarget ay mga kabataan na nag aaral sa kolehiyo.
Saad nito na kasalukyang nasa high alert ngayon ang Kabul.
Nagpakalat na ang Taliban ng mga pulis sa lahat ng mga paaralan upang maiwasan na ito ay maulit.
Kaugnay nito ay kinokondina na ng iba’t-ibang lider sa mundo ang pag atake dahil hindi ito katanggap tanggap.
Sa ngayon ay wala aniyang grupong umaako ng nasabing atake hindi tulad noon na agad na inaako ng ISIS kapag may ganitong mga pag atake sa Afghanistan.