-- Advertisements --
Tinataya ng Department of Energy (DOE) na walang brownouts sa mararanasa sa Luzon, Visayas at Mindanao sa taong 2024.
Ginawa ni Senator Sherwin Gatchalian ang naturang assessment bilang siya ng dumidepensa sa pondo ng ahensiya sa kasagsagan ng Senate plenary deliberations para sa panukalang pondo ng ahensiya sa susunod na taon nang kwestyunin ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang kapasidad at demand sa kuryente para sa 2024.
Kaugnay nito, iprinisenta ni Sen. Gatchalian ang graph ng DOE kung saan tinatayang walang yellow o red alerts sa Luzon , Visayas at Mindanaosa susunod na taon.
Nitong umaga ng Martes, isinumite na ng Senado ang panukalang pondo ng DOE sa 2024 para sa pag-apruba ng plenaryo.