Tinawanan lang ni Vice President Sara Duterte nang tanungin ito tungkol sa pagkakahirang ni Police Major General Nicolas Torre III bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief, kapalit ni Gen. Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7.
Sa isang Interview sa The Hague, Netherlands, habang ipinagdidiwang ni VP Sara ang kanyang kaarawan kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni VP Duterte na ”That’s my reaction”, at agad na sinabing ”Next question.” Nang pinilit siyang magbigay pa ng reaksyon, tumawa ulit siya at sinabing, “That’s it.”
Maalalang si Torre, na kasulukuyang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ay naging ground commander ng police team na naghatid ng arrest warrant laban kay dating PRRD kung saan kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague dahil sa mga paratang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang magudong ‘war on drugs.’
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Gen. Marbil na si Torre ay napili bilang bagong PNP chief dahil sa kanyang pamumuno, at hindi bilang gantimpala sa kanyang papel sa pag-aresto sa dating pangulo.