-- Advertisements --

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isang “waste of time” o pagsasayang lamang ng oras para sa mga Pilipino.

Ginawa ng bise presidente ang pahayag sa isang panayam sa The Hague, Netherlands.

Hindi rin aniya siya nanood ng SONA ng Pangulo tulad noong nakalipas na taon at wala siyang planong basahin ang nilalaman ng SONA o kahit man lang summary dahil naniniwala siyang pagaaksaya lang ito ng oras.

Binanggit din niya ang mga hindi natupad na pangako ng administrasyon, tulad ng pagpapababa sa ₱20 kada kilo ng bigas.

Kinuwestiyon din niya ang mga naging pahayag na may makukulong bago mag-Pasko, partikular ang mga miyembro ng Kamara, na hindi naman daw nangyari.

Inihayag din niya na may mga personal silang kasunduan ni Marcos bago sila tumakbong magka-tandem na hindi rin umano tinupad ng Pangulo.

Ito na ang ikatlong sunod na taon na hindi dumalo at hindi pinanood ng Bise Presidente ang SONA ni PBBM.