Nagpahayag ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni Pope Francis.
Sa isang mensahe, sinabi ng pangalawang pangulo na itinuro ng Santo Papa kung paano maging mapagmahal, mapagpatawag, at maging maawain sa isang mundong nilalason ng hindi pagkakapantay-pantay, pagkamuhi, kasakiman, at iba’t-ibang mga digmaan.
Ayon pa sa pangalawang pangulo, pinangunahan ng namayapang Santo Papa ang Roman Cahotlic church ng may pagpapakumbaba, dedikasyon, at pagmamahal, bilang disipulo ng Diyos.
Nawa’y magpatuloy aniya na gunitain ng bawat isa ang mga turo at aral na iniwan ng namayapang Santo Papa at ipagpatuloy ang kaniyang misyon na ilapit ang Salita ng Diyos sa mga mahihirap, may-sakit, at mga malapit nang bawian ng buhay.
Hinimok din nito ang mga Pilipino na patuloy na ipanalangin ang ‘eternal repose’ ng Holy Father.