Hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senado na sagutin ang gastusin para sa pagkain, inumin, at catering services ng kanyang defense team, support staff, at mga testigong lalahok sa kanyang impeachment trial.
Sa liham na may petsang Hulyo 7, 2026 na ipinadala kay Senate President Sherwin Gatchalian, inilahad ni Duterte ang mga arrangement na nais niyang ipatupad sa buong panahon ng paglilitis.
Kabilang sa kanyang mga kahilingan na ang lahat ng pagkain at inumin para sa kanyang kampo ay ihain lamang sa itinakdang holding room at magmula lamang sa accredited caterer ng Office of the Vice President o OVP.
Ayon kay Duterte, layunin ng naturang hakbang na matugunan ang lehitimong security concerns at matiyak ang kaligtasan ng kanyang defense team, support staff, at mga testigo.
Kasabay nito, hiniling din ng Bise Presidente na ang Senado ang sumagot sa lahat ng kaugnay na gastusin.
Sa pagtatapos ng kanyang liham, sinabi ni Duterte na umaasa siyang aprubahan ng Senado ang kanyang mga kahilingan sa buong panahon ng impeachment trial.
Samantala, kinumpirma naman ni defense spokesperson Atty. Michael Wesley Poa na batay sa kanya ay ‘wala pang naaprubahang kahilingan kaugnay ng lihan ng OVP.
Gayunpaman, tumanggi si Poa na magbigay ng karagdagang detalye dahil ang liham ay mula sa OVP at hindi umano nanggaling sa defense team. (report by Bombo Jai)
















