
Pinuri ni VP Sara Duterte ang mga law enforcement agencies para sa pag-aresto sa pinaghihinalaang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Eric Casilao.
Si Eric Casilao ay naaresto kamakailan sa Malaysia.
Nagpaabot ng pagpupugay si Duterte sa Philippine National Police (PNP), the Armed Forces of the Philippines (AFP), at sa iba pang ahensyang katuwang upang maaresto sa tamang proseso si Casilao.
Binanggit ng Bise Presidente na si Casilao ay may hawak na mahalagang posisyon sa New People’s Army (NPA).
Ang naarestong si Casilao, ay umanong aktibong nagplano ng mga planong atakehin ang mga pwersa at imprastraktura ng gobyerno, pag-atake sa mga komunidad ng sibilyan at pagpatay sa mga lider ng Lumad, at ang puwersahang pangongolekta ng pera sa pangingikil mula sa mga kumpanya ng pagmimina at agribusiness.
Nanindigan ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na kumakatawan sa CPP at NPA sa usapang pangkapayapaan na kinansela ng gobyerno noong 2017, na kung saan si Casilao ay isang peace consultant.
Una na rito, inakusahan siya ng pagtakas patungo sa Malaysia dahil sa gumuguho ang communist insurgency sa Davao region.