Nagtungo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Singapore bilang bahagi ng kanyang observation tour upang matuto mula sa mga pinakamahusay na kasanayan sa sistema ng edukasyon ng mga bansa sa Southeast Asia.
Mula sa kanyang pagbisita sa Brunei, ang si Duterte ay nagtungo sa Singapore upang makipagkita kay Dr. Vivian Balakrishnan, ang foreign minister ng bansa.
Aniya, naging mainit ang pagtanggap ni Dr. Balakrishnan at tinalakay nila ang ilang mga bagay tulad ng paggamit sa edukasyon, na siyang pakay ng byahe niya bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).
Si Duterte ay nahalal na pangulo sa 52nd Southeast Asian Ministers of Education Organization Council conference ng organisasyon na ginanap sa Maynila noong Pebrero 2023
Bilang council president ng organisasyon, sinabi niya na ito ay isang pagkakataon upang malaman ang tungkol sa mga pinakamahusay na kasanayan ng Singapore sa larangan ng edukasyon, upang maibahagi niya ito sa iba pang miyembro kabilang ang Pilipinas kung saan siya ang pinuno ng edukasyon.
Layunin ng opisyal na maiangat ang antas ng edukasyon sa Southeast Asian region na siya ring numero unong prioridad para sa Pilipinas.
Sa kanyang kapasidad bilang kalihim ng edukasyon ng Pilipinas, inilunsad ng opisyal ang programang “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” ng Department of Education (DepEd), na naglalayong lutasin ang mga hamon ng basic education sa bansa.