-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa si Vice President Sara Duterte matapo ang ginanap na pagbisita nito sa Qatar at the Neherlands.

Ayon sa Office of the President dakong 7:40 nitong gabi ng Huwebes ng lumapag ang eroplanong sinakyan niya sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa mga susunod na araw na lamang niya nito magbibigay ng mga pahayag at reaksyon sa ilang mga isyu sa kasalukuyan.

Nagtungo sa the Netherlands ang bise presidente para dalawin ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa International Criminal Court facility.

Habang noong ito ay nasa Qatar ay duamlo ito sa ilang mga aktibidad doon ng mga Filipino community.

Magugunitang ipinagpaliban ng Senado ang pagtalakay ng impeachment complaints laban sa bise presidente.