-- Advertisements --
sara duterte 1

Nakatanggap ng “excellent” satisfaction si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte sa December 2022 survey.

Ito ay matapos na umani ng +77 o “excellent” net satisfaction rating ang bise presidente batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Sa datos, lumalabas na 84% ng mga Pilipino ang satisfied sa naging performance ni Duterte, habang nasa 5% naman ang naitalang dissatisfied.

Ang pinakamataas na ratings na kanyang nakuha ay mula sa lalawigan ng Mindanao kung saan nakakuha siya ng +96, mas mataas kumpara sa +88 na una nang naitala sa October 2022 survey.

Sumunod naman sa lalawigan ng Visayas na mayroong +74, +73 sa Metro Manila, at +71 sa Luzon na kapwa mas mataas din kung ikukumpara sa una nang naitala ng survey noong Oktubre ng nakaraan taon.

Bukod dito ay “excellent” din si Duterte sa parehong rural at urban areas sa bansa, maliban nalang sa resulta ng survey mula sa ilang college graduates kung saan +66 o “very good” lamang ang kanyang nakuha score.

Isinagawa ng Social Weather Station ang kanilang survey mula December 10 hanggang December 14, 2022 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa nasa 1,200 adult Filipino sa buong Pilipinas.