
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga kandidato ng darating na barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag siraan ang kanilang mga kalaban.
Sinabi ni Duterte sa mga kandidato na dapat magkaroon ng patas at mapayapang halalan.
Aniya, pinapaalalahanan ng bise presidente na nais ng pamahalaan ng isang tapat, maayos, at mapayapang barangay election.
Hinimok din ni Duterte ang mga kandidato na huwag gumamit ng karahasan habang nangangampanya, dahil makakasira ito sa kapayapaan at seguridad.
Dagdag pa ng mataas na opisyal na huwag mandaya o gumawa ng anumang anomalya para sa nalalapit na lokal na halalan.
Sa kabila ng paghihimok sa mga kandidato na huwag bahiran ang kanilang mga karibal, hindi rin nag-alinlangan na isingit ni Duterte na pasaringan ang mga kritiko ukol sa kontrobersiya ng confidential funds.










