-- Advertisements --
image 22

Binati ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa matagumpay na pamamahala sa bansa sa nakalipas na isang taong termino nito.

Patunay aniya ito ng dedikasyon ng chief executive sa pagtupad ng kaniyang mga pangako para sa mga mamamayang Pilipino noong nakalipas na halalan.

Ayon pa kay VP Sara, hindi mapagkakaila na determinado ang Pangulo na ipagpatuloy ang magandang pagbabago na nasimulan ng kaniyang ama at predecessor ng chief executive na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi din ng Ikalawang Pangulo naa nakagawa ng mga bagong programa at proyekto ang Presidente para masigurong magkaroon ng komprtableng buhay ang mga Pilipino.

Kayat masaya aniya ito na maging bahagi ng administrasyong Marcos na ahresibo sa pagpapalakas ng ating ekonomiya, matiyak na may trabaho ang bawat Pilipino at masolusyunan ang kahirapan sa bansa.

Pinuro din ni VP Sara ang Marcos admin sa para sa pagsuporta sa sektor ng mangingisda, agrikultura at manggagawa, pagpapatayo ng mahahalagang imprastruktura, pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa at pagpapalalim pa ng ugnayan sa ibang bansa.

Hinimok din ni VP Sara ang mga Pilipino na suportahan ang Marcos admin upang maisakatuparan ang mga adhikain nito para sa bawat Pilipino.