Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakatakda siyang lumipad sa susunod na linggo patungong Japan upang dumalo ng personal sa state funeral ni dating Japanese prime minister Shinzo Abe na nakatakda sa Sept. 27.
Ginawa ni Duterte ang kumpirmasyon sa pulong niya kay Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa.
Sa isang statement, sinabi ng pangalawang pangulo na dadalhin din niya at ipapaabot sa Japanese government ang mga sulat na condolences mula sa kanyang ama na si dating Presidente Rodrigo Duterte, gayundin ang mensahe ng pakikiramay mula kay President Bongbong Marcos Jr.
Kung maalala si Abe noong prime minister pa ay bumisita pa ng personal sa dating pangulo sa kanilang bahay doon sa Davao City.
Ang tinaguriang longest-serving prime minister ng Japan ay napatay sa asasinasyon sa edad na 67-anyos noong nakarang buwan.
Samantala ipinaabot naman ni vice presidente Sara sa Japanese government ang todong pasasalamat ng Pilipinas dahil sa pagiging top partner sa pagpapaunald sa bansa, pagbuhos ng mga investment lalo na noong taong 2002 hanggang 2021 at bilang top contributor sa Build Build Build program ng dating Duterte administration.