-- Advertisements --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na siya ang naging dahilan kaya pinahinto ang mga sasakyan sa bahagi ng Commonwealth Ave, Quezon City nitong umaga ng Huwebes.

Ayon sa Office of the Vice President na sa nasabing mga oras at araw ay wala sa Metro Manila ang ikalawang Pangulo at ito ay nasa Mindanao.

Pinangunahan kasi ng pangulo ang isang programa sa Mindanao bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Teachers Day.

Dahil dito a ipinag-utos ni Duterte na dapat imbestigahan ng Quezon City Police District ang nasabing insidente.

Sa bahagi naman ng QCPD ay kanila ng pansamantalang tinanggal sa puwesto ang pulis na nakuhanan sa video an siyang nagbanggit ng pangalan ng ikalawang pangulo kung bakit pinahinto ang mga sasakyan.