-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayon ng Commission on Election (COMELEC) na palawigin pa ng isang linggo ang voter registration sa buwan ng Oktubre.

Ito ang naging pahayag ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa isinagawang Congressional Oversight Committee on Automated Election System.

Ang nasabing proposal ay tila pag-sang-ayon ng Comeelc sa panawagan ng mga mambabatas na palawigin na ang voters’ registration.

Magugunitang naghain ng mga panukalang batas ang kongreso sa pagpapalawig ng isang buwan ang voters registration na magtatapos na sa Setyembre 30.