-- Advertisements --

Hindi papalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration period lagpas sa Septembre 30 deadline na kanilang nauna nang itinakda.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez base na rin sa nabuong desisyon ng En Bank matapos na ikonsidera ng mga miyembro nito ang timeline nang paghahanda para sa 2022 national at local elections.

Bukod dito, isa rin aniya sa mga naging dahilan kung bakit hindi pinayagan ang pagpapalawig sa deadline ng voter registration ay ang kaligtasan at kalusugan ng publiko at pati na rin ng kanilang mga tauhan.

Una rito, ilang mga senador ang lumagda sa isang resolusyon para ipanawagan sa Comelec ang pagpapalawig ng voter registration period.

Gayunman, sinabi rin ni Jimenez na inaprubahan ng En Banc ang pagpapalawig naman ng oras ng voters registration, pati na rin ang pagbubukas ng voter registration tuwing Sabado at mga holidays, hanggang September 30.

Ibig-sabihin, bukas sila para sa voters registration kahit lagpas alas-5:00 ng hapon.