Hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang kamay na bakay sa pambansang pulisya sa gitna ng mga kaso ng impunity at posibleng kalupitan sa pag-asang makakalikha ito ng fear factor o takot sa mga kapulisan.
Ikinalungkot ni VACC president Arsenio Evangelista na ang mga pulis ay sangkot sa mga kaso ng iligal na droga at iba pang krimen at nagawang mareclaim ang mga kakalsadahan sa Maynila.
Ginawa ni Evangelista ang pahayag matapos na mapatay ng 6 na pulis ang 17 anyos sa Navotas city na isa umanong kaso ng mistaken identity.
Nangako naman ang Philippine National Police na hindi nila pagtatakpan ang naturang kaso dahil sasailalim sa imbestigasyon ang mga sangkot na pulis.
Inihalimbawa pa ni evangelista na sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tumino aniya ang mga kapulisan at mayroong climate of fear sa uniformed personnel.
Tila mas marami din aniyang mga corrupt na pulis kesa sa mayroong moral kayat dapat na sumailalim ang mga ito sa moral evaluation at anger management training ng regular.