-- Advertisements --
Sinampahan na ng kaso Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nanunog ng P20 bill at ipinost nito sa social media.
Sinabi ni Toni Lambino, managing director ng BSP strategic communication and advocacy, na nakikipag coordinate na sila sa Philippine National Police (PNP) hinggil dito.
Binigyang diin ni Lambino na bawal na bawal ang pagsusunog ng pera.
Kasabay nito ang paghikayat ng opisyal sa publiko na huwag sadyaing sirain ang mga pera dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.
Nakasaad sa polisiya na ang alinpamang uri ng pagsira, paggupit, pagsunog at pagsusulat sa salapi ay iligal.
Sinumang lalabag dito ay papatawan ng hindi hihigit sa P20,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon.