Ilang lugar pa rin sa bansa ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) dahil sa naitalang pagtaas sa bilang ng kanilang mga bagong kaso ng COVID-19.
“There are specific areas that we are currently monitoring because of the increase in the number of cases,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Ayon sa opisyal tumaas ng 200% ang bilang ng mga bagong kaso sa Sarangani, Eastern Samar, Ormoc, at Dinagat Islands.
Ilan daw sa nakikitang dahilan dito ng ahensya ay ang nadagdagan pang bilang ng “clusters” at tumaas na testing capacity para sa Ormoc City at Eastern Samar.
Ang Dinagat Islands naman, itinuturo ang pagdami ng mga bagong kaso sa pagbubukas nila ng pantalan para sa mga biyahe papunta at galing ng Surigao province.
“For Sarangani, they said that their is this monitoring being done at titingnan nila kung bakit sila may clusters sa ngayon.”
“Of course lahat ng reasons sa observed cases should be validated, so aside from LGUs validating it, (the) DOH also has a set of criteria to validate also kung bakit nagkaroon ng mga bagong kaso (ng COVID-19) sa lugar.”
Batay sa COVID-19 case tracker ng DOH, as of November 9, may 325 total coronavirus cases ang Sarangani province. Ang Eastern Samar ay may 196; Ormoc City, 169; at Dinagat Islands, 40.










