-- Advertisements --

Sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), inanunsiyo ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsasagawa ang mga ito ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikatlong quarter ngayong taon.

Isasagawa ito sa Setyembre 10.

Sa tulong ng Office of Civil Defense (OCD), isasagawa ang drill para na rin sa kahandaan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pero ang drill ay isasagawa sa pamamagitan ng Facebook live stream dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Uumpisahan ng OCD ang NSED sa pamamagitan ng pagpindot sa botton para sa signal ng duck, cover and hold procedure.