-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang isang vintage bomb na narekober sa likurang bahagi ng Coca Cola Purok 45, Balabag Ulas, Davao City.
Sa imbestigasyon ng Talomo PNP, nahukay umano ng backhoe na minaneho ng isang J-Car Canoño Rivera, residente sa nasabing lugar ang nasabing eksplosibo.
Sinasabing habang naghuhukay sa tabi ng ilog, nakuha ang isang 70 mm projectile.
Agad itong kinustodiya ng otoridad lalo na at delikado pa rin itong sumabog kahit ilang taon na itong nakabaon sa lupa.
Pinaalalahanan naman ng kapulisan ang publiko na kung may makitang mga vintage bomb agad na makipag-ugnayan sa kanila at hindi galawin para maiwasan ang disgrasya.