-- Advertisements --
Ibinunyag ni Vilma Santos na ito ay dinapuan ng pang-matagalang uri ng COVID-19 complications.
Sinabi nito na ito ang naging dahilan kaya hindi na siya naging aktibo sa social media.
Sa kaniyang social media sinabi nito na nagnegatibo na siya sa COVID-19 subalit itong uri ng virus na dumapo sa kaniya ay pang-matagalan.
Nakakaranas pa rin ito ng sintomas ng nasabing virus kahit na nagnegatibo na siya sa nasabing virus.
Ilan sa mga sintomas na kaniyang naranasan ay ang pag-atake ng asthma, pabago-bagong blood pressure at sakit sa ulo.
Pinayuhan niya ang mga fans at followers na mag-ingat na baka dapuan ng virus dahil sa hindi malayong magaya sila sa kaniya.