-- Advertisements --

Nagwagi si Vietnamese singer Duc Phuc sa “Intervision” ang bersyon ng Russia sa Eurovision song contest.

Aabot sa 23 mga contestants mula sa iba’t-ibang mga bansa ang sumali sa nasabing contest na ginanap sa “Live Arena” sa Moscow.

Kasamang mga bansa ang sumali sa China, India at Brazil para sa premyo na $360,000.

Sinabi ni Duc Phuc na labis siyang nagulat sa pagkapanalo at hindi niya inaasahan na magwawagi siya.

Magugunitang inilunsad ng Russia ang international singing contest matapos na tinanggal sila sa Eurovision ang kilalang European competition.