Personal na bumisita ngayong araw sa probinsya ng Aklan si Vice President Sara Carpio Duterte para magpasalamat sa mga suporta ng Aklanons sa nagdaang eleksyon.
Sa ginanap na meet and greet and welcome party sa mga miyembro ng UniTeam Kalibo sa may Aklan Training Center ay pormal netong pinaabot ang kanyang pasasalamat at paglatag sa ilang mga programa ng kanyang opisina.
Pinasiguro rin neto na kung anuman ang mga pinangako niya sa panahon ng kanyang kampanya ay ipapatupad niya ito bilang bise presidente.
Kabilang sa mga inilatag netong programa na isinusulong ng kanilang administrasyon ay ang pagbibigay ng trabaho at pagtibayin pa ang kapayapaan at kalakalan sa bansa.
Sa kabilang dako, personal rin netong sinaksihan ang sariling bersyon ng Ibajay Ati-Atihan Festival sa bayan ng Ibajay, Aklan.
Kung saan, isa siya sa mga naging hurado sa ginanap na kompetisyon na parte ng naturang kapistahan.
Samantala, binisita rin ni Vice President Sara Duterte ang simbahan ng nasabing bayan.