-- Advertisements --
image 186

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa publiko na “on top of the situation” ang gobyerno sa pagtugon sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Karding.

Sa isang pahayag ay sinabi ng bise presidente na kasalukuyan nang nagtutulong-tulong ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga local government units upang matiyak na agad nitong matutugunan ang paghahatid ng relief services sa mga Pilipinong sinalanta ng nasabing bagyo.

Kasabay nito ay nagpaabot na rin siya ng panalangin at pakikiramay sa mga kababayan nating naapektuhan, nasaktan, at nawalan ng mga mahal sa buhay nang dahil sa pananalasa ng nasabing kalamidad.

Samantala, una rito ay iniulat na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroong limang indibidwal ang nasawi, habang anim naman ang pinaghahahanap ng mga kinauukulan matapos maitalang nawawala ang mga ito nang dahil pa rin sa Bagyong Karding.