-- Advertisements --
Vice Mayor Ocite accident

BUTUAN CITY – Labis na naghihinagpis ang pamilya at mga kaibigan ni Rosario, Agusan del Sur Vice Mayor Concordio “Coldo” Ocite, matapos masawi sa kinasangkutang aksidente sa Padigusan, Barangay Sta. Cruz ng nasabing bayan kahapon.

Nabatid na lulan ng kanyang kulay itim na motorsiklo ang bise alkade nang sumalpok ito sa nakasalubong na cargo truck na nagresulta sa kanyang pagtilapon.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Vice Mayor Coldo bunsod ng malakas na impact.

Nadala pa sa ospital ang opisyal ngunit ideneklara na itong dead on arrival.