Pinag-aaralan ngayon ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang paghahain ng disqualification laban kay Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono.
Ito’y kasunod ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng kampo ni Disono at ng mga Pulis Abra nuong isang linggo matapos takasan ang inilatag na checkpoint sa bahagi ng Poblacion na ikinasawi ng body guard ng bise at ikinasugat ng dalawang Pulis.
Ayon kay Sec. Año, malinaw aniya ang naging paglabag ni Disono dahil sa pagmamay-ari ng samu’t sari at matataas na uri ng armas gayundin ang paglabag nito sa Comelec rules hinggil sa checkpoint.
Maliban kay Disono, sinabi rin ni Año na pananagutin din si Pilar Mayor Roland Somera kung mapatutunayan na may pangungunsinte sa kaniyang panig lalo pa’t tumatakbo sila bilang re-electionist.
” The PNP is conducting the investigation and they are going to file the appropriate charges against Vice Mayor Desono and probably also the mayor. This is a blatant violation of the law and of course the Omnibus election code. Napakasimple nung insidente na yun. Unang una meron mga armed body guards na hindi authoraized ng Comelec. Pangaalawa binangga yung checkpoint hindi tumigil at dumiretso doon sa bahay nung vice mayor and despite the effort of the PNP to really exercise maximum tolerance and I would like to commend the PNP. They are able to resolve the incident or situation peacefully and nagsurrender yung mga armed men na allegedly mga former military pati yung firearms na ginamit na wala rin palang gun ban exemption at ito ay mga personally owned ng vice mayor,” pahayag ni Sec. Ano.
Sa ngayon ni revoke na ng PNP ang LTOPF ng mga nasabing baril na pag-aari ni Vice Mayor Disono.
Kasunod nito, mahigpit naman na pinaalalahanan ni Año ang lahat ng kandidato na huwag gumamit ng guns, goons and gold para impluwensyahan, takutin at manipulahin ang mga botante ngayong nalalapit na ang Halalan.
” This is a warning to all political candidates, stop using armed goons, stop using intimidation and force to influence the voters. Hindi natin sasantuhin kahit sino pa yan. The PNP is committed to enforce the law strictly kahit kanino. No fear and no favor,” dagdag pa ni Año.