-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang beteranang singer na si Madonna dahil sa bacterial infection.

Ayon sa kaniyang manager na si Guy Oseary na patuloy ang pagpapagaling ng singer matapos na itakbo ito sa internal care unit.

Pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga ng ilang araw hanggang sa tuluyang mabawi ang lakas nito.

Dahil dito ay pansamantalang itinigil nito ang mga nalalapit ng mga concert niya.

Iaanunsiyo na lamang nila sa mga susunod na araw kung kailan matutuloy ang kanilang mga concerts.

Magugunitang noong Enero ay inanunsiyo niya ang kaniyang world tour na magsisimula sa Hulyo 15 sa Vancouver.