Nakatakda umanong pumirma si Rajon Rondo ng isang taong kontrata sa halagang $2.6 million deal bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa Los Angeles Lakers.
Sinasabing pumayag si Rondo para sa contract buyout sa Memphis pero makukuha pa rin ang kabuuan niyang $7.5 million salary ngayong season sa deal sa Lakers..
Posibleng sa Miyerkules ay pumirma na ito.
Si Rondo, 35, ay una nang na-trade ng LA Clippers ngayong buwan patungong Grizzlies bilang bahagi ng Eric Bledsoe deal.
Ang two-time champion at four-time All-Star ay naglaro na rin sa Lakers ng dalawang seasons mula 2018 hanggang 2020.
Naging mahalaga rin ang kanyang papel sa pagkampeon ng L.A. sa Orlando bubble.
Muli naman silang may reunion ni LeBron James at may bago siyang teammate na si Russell Westbrook.
Si Rondo ang ikalimang dating player na nagbabalik sa Lakers ngayong offseason kasama sina Dwight Howard, Trevor Ariza, Wayne Ellington at Kent Bazemore.
Ang iba pang veteran players sa team ay sina Carmelo Anthony at Marc Gasol at Anthony Davis.