-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong entertainment columnist na si Ricky Lo sa edad 75.

Hindi naman na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Lo.

Nakiusap na rin ang kapatid nitong si Susan na igalang ang kanilang pagluluksa.

Isinilang sa Las Navas, Northern Samar noong Abril 21, 1946 si Lo kung saan nagtapos ito ng AB English sa University of East.

Nagsimula itong nagtrabaho sa Variety magazine sa taon 1969 hanggang 1972.

Mula noon ay naging bahagi siya ng iba’t-ibang entertainment news magazine at host din ng iba’t-ibang showbiz shows.

Naging entertainment editor siya ng Philippine STAR mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.