-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranang entertainment columnist at talent manager na si Ethel Ramos sa edad na 87.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamangkin na si Farah Ramos subalit hindi na niya binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Nagtapos siya sa kursong journalism sa University of Santo Tomas (UST).
Bukod sa pagsusulat ay pinasok niya ang mundo ng public relations o PR kung saan naging talent manager siya.
Ilan sa mga malalaking artista na kaniyang nahawakan ay sin Aga Muhlach at Angel Locsin.
Nagpaabot naman ang ilang mga showbiz personalities ng malaman ang hindi magandang balita.