-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni US tennis star Venus Williams sa DC Open matapos na talunin siya ni Magdalena Frech ng Poland.

Hindi nakayanan ng 45-anyos na si Williams ang lakas ng Polish tennis player at nakamit nito ang 6-2, 6-2 na panalo.

Tumagal ang laro ng dalawa sa isang oras at 13 minuto sa third round ng torneo.

Susunod naman na makakaharap ni Frech si Elena Rybakina para sa quarterfinals ng torneo.