-- Advertisements --
Kinumpirma ng American tennis star na si Venus Williams na ito ay engaged na s actor na si Andrea Preti.
Isinagawa nito ang kumpirmasyon ng magwagi ang 45-anyos na tennis star sa unang round ng Washington Open.
Si Preti ay isang Danish-born Italian model at actor.
Magugunitang si Williams na seven Grand Slam singles title holder ay muling nagbalik sa paglalaro matapos ang mahigit isang taon na hindi paglalaro.