-- Advertisements --
Tumaas ng 7.5 percent ang sales volume ng Philippine automotive industry ngayong Setyembre.
Sa isang joint report, sinabi ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA) na ang kabuuang vehicles sales ay umabot ng hanggang 31,820 units noong nakaraang buwan.
Mas mataas anila ito kumpara sa 29,599 units na naibente noon lamang Agosto.
Ang sales figures noong Setyembre ay mas mataas din ng 2.3 percent kumpara sa 31,116 units na naibente sa kaparehas na period noong nakaraang taon.
Dahil sa mataas pa rin ang demand para sa commercial at passenger, sinabi ng CAMPI na nananatiling malakas ang sales sa automotive sector hanggang sa katapusan ng taon.










