Binatikos nina US Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio ang naging hakbang ng Israel Parliament ukol sa pag-angkin sa West Bank.
Inaprubahan kasi ng mga mambabatas ng Israel ang panukalang batas na bahagi na nila ang West Bank.
Ang West Bank kasi ay matagal ng pag-aari ng Palestine bilang bahagi nila sa independent state.
Sinabi ni Vance na isang “stupid political stunt” ang hakbang.
Habang ayon kay Rubio na ang ginawa ng Israel ay sisira sa plano ni US President Donald Trump na tapusin ang giyera sa Gaza.
Hindi rin ito nakasaad sa ceasefire agreement na isinusulong ni Trump.
Itinanggi naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na aprubado niya ang hakbang kung saan ito umano ay kagagawan ng mga oposition group sa parliyamento.
Paglilinaw ng Israeli Prime Minister na ang kaniyang right-wing Likud party at ultra-Orthodox coalition ay hindi bumuto sa nasabing panukalang batas.