-- Advertisements --
Aminado si League of Provinces of the Philippines Online (LPP) president Governor Presbitero Velasco na tanging ang isyu na lang ng vaccine hesitancy ang kanilang kalaban para maabot ang hinahangad na community protection.
Ayon kay Velasco, nananatiling isyu ito sa malalayong lugar ang pagtangging magpabakuna ng mga residente.
Kabilang na rito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kung saan 28.02 percent lamang ang bakunado, mula sa target population.
Target ng national government na maging fully vaccinated ang nasa 90 million hanggang sa kalagitnaan ng taong 2022.