CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa publiko kaugnay sa panawagan na mapataas ang alert level ng bayan.
Sa kasalukuyan nasa alert level II parin ang bayan. Kaugnay nito, maliban sa nakaugaliang mga vaccination site tulad ng Rural Health Unit at mga Barangay, nagsisimula na rin ang RHU sa pamilihang bayan ng Kabacan, USM Avenue, harapan ng Kabacan Pilot Central School, terminal complex ng bayan, at mga school-based immunization program.
Paglilinaw ni Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr., hindi sapilitan ang pagbabakuna, ngunit hinikayat nito ang publiko na tumalima sa panawagan ng pamahalaan habang libre ang bakuna.
Sa kabuuan, batay sa pinakahuling datos, abot na sa 59.81 o 49,192 ang fully vaccinated sa bayan.
Maliban sa first and second dose, hinikayat din ni Edu ang publiko na magpabooster shot.
Sa ngayon, hanggang dalawang booster shot na ang ipinapamahagi sa publiko.
Para sa mga kukuha ng 1st booster, edad 18 years old pataas habang sa second booster naman mga Health care workers, immuno-compromised individual, at mga senior citizens.