-- Advertisements --

Hindi matutuloy ang pagbabalik pasada ng mga UV Express units bukas dahil hindi pa tapos ang Department of Transportation sa pagtukoy ng ruta na dadaanan ng mga ito, ayon kay DOTr road sector consultant Alberto Suansing.

Iginiit ni Suansing na sa oras na payagan nang makabiyahe ulit ang mga UV Express ay dapat point-to-point na ang mga ito.

Samantala, simula bukas ay maari naman nang makabalik sa kanilang operasyon ang mga modern jeepneys dahil identified na aniya ang ruta ng mga ito.

Nauna nang sinabi ng DOTr na nasa 3,600 bus at 1,500 modern jeepneys at UV Express units ang papayagang makabiyahe bukas sa Metro Manila.

Sinabi ni Suansing na mula sa 28 ruta, 31 ruta ang bubuksan para sa mga bus.