-- Advertisements --

Mas lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang local currency.

Sa datos ng Bureau ng Treasury (BTr) , ang natitirang utang ng pamahalaan ay umabot sa P12.68 trilyon, 4.8% o P586.29 bilyon na mas mataas sa P12.09 trilyon na naitala noong katapusan ng Pebrero 2022.

Samantala, tiniyak naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na gamitin ng mahusay at epektibo ang outstanding debt na nagkakahalaga sa P12 trillion.