-- Advertisements --
bot

Lalo pang lumobo ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Ayon sa Bureau of Treasury, pumalo sa panibagong record high na P14.35 trillion ang utang ng gobyerno.

Ito ay tumaas ng P105.28 billion o katumbas ng 0.7% mula sa naitalang utang noong buwan ng Hulyo na nasa
₱14.24 trillion.

Ito ay bunsod ng paghina ng halaga ng Philippine peso kontra dolyar mula sa P54.834 hanggang P56.651.

Sa kabuuang pagkakautang, nasa 31.8% o P4.56 trillion ay mula sa panlabas na utang habang 68.2 % o P9.79 trillion ay mula sa panloob na utang.