-- Advertisements --

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi mababaon sa pagkakautang ang bansa gaya ng nangyari sa Sri Lanka.

Ito ang pagtitiyak ng kalihim nang tanungin ito ni Senator Sonny Angara sa isinagawang pagdinig ng Senate ways and means committee para magbigay ng assurance na nananatiling manageable pa ang utang ng gobyerno.

Binanggit ng Senador na siyang vice chairperson ng komite na mayroong spekulasyon sa pagkukumpra sa debt situation ng Pilipinas sa Sri Lanka.

Pero pagtitiyak ni Diokno na nagiging maingat sila pagdating sa borrowings ng bansa. Sa katunayan bilang treasurer aniya karamihan sa utang ng gobyerno ay long term.

Positibo naman si Diokno na polisiya ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez III para humram sa mas mababang interest rate.

Siniguro din nito na sa pamamagitan ng medium-term fiscalframework makakatiyak na hindi malulugmok ang bansa gaya ng nangyari sa Sri Lanka.

Base sa inilabas na data ng Bureau of Treasury noong nakalipas na linggo as of June 30, 2022, ang debt-to-GDP ratio ng bansa ay nasa 62.1% mas mababa sa 63.5% debt level ng porsyento ng GDP sa unang quarter ng taon.

Mas mataas pa rin ito sa inirekomendang international ceiling na 60% ng publlic debt share ng ekonomiya.

Sa pagtatapos ng termino ng adminstrasyong Duterte, pumalo ang utang ng gobyerno sa P12.79 trillion.

Target naman ng Marcos adminsitration na maibaba ang debt-to-GDP ratio ng hanggang 60% sa taong 2025.