Naghain ng unang batch ng kasong kriminal ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Rep. James Ang Jr. ng USWAG Ilonggo Partylist.
Ang mga kaso ay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 3(h) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng interes sa mga kontrata o transaksyon ng pamahalaan.
Batay sa docket number OMB-C-C-JUN-26-0079, pormal na isinampa sa Sandiganbayan bilang bahagi ng kampanya laban sa katiwalian.
Ito ang unang pagkakataon na naharap sa kasong kriminal si Rep. Ang mula nang mahalal bilang kinatawan ng USWAG Ilonggo Partylist.
Bagama’t dati nang pinangalanan si Ang sa mga paunang expose, hindi naman agad naihain ang mga reklamo.
Nakatanggap naman ang Bombo Radyo ng impormasyon ukol sa agad na paglalagak ng piyansa ng mambabatas.
















