-- Advertisements --

Sinuportahan ng grupo ng mga magsasaka habang kinontra naman ng ilang grupo ng mangingisda ang usaping pagtatalaga kay fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr bilang susunod na secretary of Department of Agriculture.

Sinabi ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) president Danilo Fausto , na malaking tulong sa agrikultura si Laurel na siyang magbibigay ng solusyon sa kinakaharap na problema sa agrikultura.

Nangangamba naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) dahil sa kilala ang kumpanya ni Laurel bilang large-scale fishing companeies at sangkot din ang kumpanya nito sa mga land reclamation activities sa iba’t-ibang lungsod at munisipalidad.

Magugunitang lumutan ang nasabing usapin na itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasabing negosyante bilang susunod na kalihim ng Agrikultura ng bansa.