-- Advertisements --

Inakusahan ni U.S. Vice President JD Vance ang gobyerno ng Iran na sangkot sa “acts of economic terrorism.”

Sinabi ni Vance na ang Iran ay nakikibahagi sa economic terrorism sa pamamagitan ng pagharang sa daloy ng kalakalan sa Strait of Hormuz, na isang mahalagang ruta para sa langis at gas sa mundo.

Kaugnay nito, binalaan ng US VP ang Iran na kung hindi nila babaguhin ang kanilang ginagawa, gagamitin ng Estados Unidos ang kaukulang hakbang upang tugunan ito.

Inilunsad din ng administrasyon ni Trump ang isang naval blockade sa mga port ng Iran sa Strait of Hormuz bilang sagot sa aksyon ng Iran.

Ayon kay Vance, layunin ng U.S. na malayang dumaloy ang langis at gas upang kayang bayaran ng mga tao ang pagpainit o pagpalamig sa kanilang mga tahanan, na hindi aniya mangyayari kung patuloy ang “economic terrorism” ng Iran.