-- Advertisements --
1662537307 vedant patel

Hiniling ng Estados Unidos sa China na itigil na ang military, diplomatic, at economic pressure sa Taiwan.

Sa naging statement ni US Department of State Principal Deputy Spokesperson Vedant Patel, sinabi niyang dapat itigil na ng China ang ginagawang pressure laban sa Taiwan at magsagawa na lamang ng dialogue.

Ani Patel, susuportahan ng Estados Unidos ang anumang mapayapang paraan ng pagresolba ng China at Taiwan sa anumang hindi nila pagkakaunawaan.

Pero pagdidiin ng US official, ang pagsuporta ng US ay laging aakma sa kung anuman ang nakabubuti sa kalagayan ng mga residente ng Taiwan.

Patuloy din aniya silang mananawagan sa iba pang kaalyadong bansa sa Indo-Pacific Region na suportahan ang mapayapang pagresolba sa anumang gusot ng dalawa, lalo na ang pag-preserba sa peace and order sa Taiwan Strait.

Matatandaang nauna nang nagsagawa ng navigation operation ang US Navy sa Taiwan Strait kamakailan, bagay na ikinagalit ng China.

Tinawag ito ng Chinese government bilang illegal intrusion o panghihimasok sa West Philippine Sea at Taiwan Strait.