-- Advertisements --
Ibinunyag ni US ambassador to the European Union Gordon Sondland na nakipagtulungan ito sa abogado ni US President Donald Trump para ipa-imbestiga si dating Vice President Joe Biden.
Sa pagharap ni Sondland sa impeachment hearing, sinabi nito na nagtrabaho ito kay attorney Rudy Giuliani para hikayatin ni Trump si Ukraine President Volodymyr Zelenskiy na imbestigahan si Biden.
Kapalit ng nasabing panghihikayat ay ang pagbisita nito sa White House.
Sinabi pa nito na alam ni US Secretary of State Mike Pompeo ang nasabing usapin.
Si Sondland ay isang may-ari ng hotel at isang malaking donor ni Trump.