-- Advertisements --
Tiniyak ng US na hindi nila kikilalanin ang mga lugar na inangkin ng Russia mula sa Ukraine.
Ito ang naging laman ng pag-uusap sa telepono nina US President Joe Biden, Vice President Kamala Harris kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Dagdag pa ni Biden na patuloy ang kanilang kahandaan sa anumang maling hakbang ng Russia.
Tinalakay din dito ang dagdag na $625 ilyon na security package na kinabibilangan ng apat na rocket systems o kilala na High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS), ganun din ang dagdag na howitzers at ammunitions.